Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na iminungkahi ng mga negosyador ng United States ang posibilidad na iurong ng Ukraine ang natitirang puwersa nito sa Donbas kapalit ng pagiging miyembro sa NATO.

Ayon kay Zelensky, unang pagkakataon itong inilahad ng Amerika sa gitna ng mga pag-uusap para wakasan ang giyera ng Ukraine at Russia.

Sinabi rin niyang maaari niyang iharap sa referendum ang anumang kasunduang may sapat na garantiyang panseguridad, walang limitasyon sa kanilang militar at may pondong pang-rekonstruksyon.

Gayunman, nananatiling tutol ang Ukraine sa pagsuko ng teritoryo nito, habang patuloy namang iginiit ng Russia ang mga kahilingan nitong teritoryal at neutralidad ng Kyiv bilang bahagi ng anumang kasunduang pangkapayapaan.