Nagbukas na ang Commission on Higher Education ng aplikasyon para sa Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program o BPMSP para sa unang semestre ng Academic Year 2026–2027.

Ayon sa CHED, maaaring magsumite ng online application ang mga estudyanteng nais makatanggap ng tulong-pinansyal para sa kolehiyo hanggang Hunyo 30, 2026 o hanggang mapuno ang mga available na slot.

Upang makapag-apply, kinakailangang magtungo ang mga aplikante sa opisyal na portal ng BPMSP, sagutan ang personal at academic information, at i-upload ang mga kinakailangang dokumento bago isumite ang aplikasyon.

Pinaalalahanan din ng CHED ang mga aplikante na tiyaking tama at kumpleto ang lahat ng impormasyong ilalagay upang maiwasan ang pagkaantala o diskwalipikasyon sa scholarship application.