Nagbunsod ng panawagan para sa mas mahigpit na proteksyon sa mga atleta ang pagkamatay ng Agusan del Sur basketball standout na si Rene Clert Baterbonia, kasabay ng lumalabas na mga isyu sa sports development programs sa bansa.

Ayon sa ina ng biktima na si Rovelyn Baterbonia, hindi umano sila nabigyan ng sapat na impormasyon ng Ateneo de Manila University (AdMU) tungkol sa team-building activity na nauna sa trahedya, na kumitil sa buhay ng kanyang anak at isa pang student-athlete na si Divine Adili.

Dahil dito, muling lumutang ang usapin sa mga posibleng kakulangan sa koordinasyon at safety protocols, lalo na sa mga atleta na nagmumula sa local government unit (LGU)-supported programs patungo sa collegiate teams.

Nauna nang naglabas ng show-cause order ang Commission on Higher Education (CHED) sa AdMU kaugnay ng insidente, habang patuloy ang pagtingin sa mga umiiral na alituntunin para sa kaligtasan ng student-athletes sa mga training at team activities.

Nanawagan ang mga stakeholder sa mas mahigpit na safeguards upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

-- ADVERTISEMENT --