Binabalaan umano ng bansang China ang International Criminal Court (ICC) laban sa “politicisation” at “double standards” umano nito matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Marso 11.
Matatandaang nitong Martes ng umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base.
Kasunod nito ay kinumpirma ng Malacañang na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest ng dating pangulo mula sa ICC.
Samantala, sa ulat ng isang international news, hiningian umano ng pahayag si foreign ministry spokeswoman Mao Ning sa isang press briefing.
Patuloy aniyang nakamonitor ang China sa naturang isyu.
-- ADVERTISEMENT --