Nagsagawa ng pagpapatrolya ang Chinese naval at air forces sa palibot ng flashpoint reef sa West Philippine Sea ngayong araw na ito, matapos ang ilang engkuwentro sa Pilipinas sa pinag-aagawang katubigan sa nakalipas na mga buwan.
Isinabay ang pagpapatrolya sa isinagawang joint exercises ng United States, Australia, Japan, New Zealand at Pilipinas sa exclusiv economic zone ng bansa.
Inaangkin ng China ang kabuuan ng West Philippine sea.
Kabilang sa mga inaangkin ng China ang Scarborough Shoal, na kinuha ng Beijing sa bansa noong 2012, kung saan sinabi ng Southern Theater Command ng militar ng China na doon sila nagsagawa ng air at sea patrols.
Ayon sa China, kabilang sa kanilang ginawa sa nasabing shoal ay “reconnaissance, early warning, at air at sea patrols.