
Nanawagan ang Commission on Human Rights o CHR sa pamahalaan na wakasan ang impunity, censorship at pananakot sa mga mamamahayag ngayong ipinagdiriwang ang National Press Freedom Day.
Iginiit ng CHR na mahalaga ang malaya at independenteng pamamahayag sa demokrasya dahil nagbibigay ito ng tamang impormasyon sa publiko at nagsisilbing tagapagbantay sa mga nasa kapangyarihan.
Hiniling din ng komisyon ang agarang hustisya para sa mga mamamahayag na nakararanas ng red-tagging, pagbabanta at iba pang uri ng harassment, gayundin ang proteksyon sa kanilang pamilya, datos at mga source.










