Idineklara na ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Inday sa bansa.

Ayon sa DOH, epektibo ang alerto simula ngayong araw. Nakaalerto na rin ang kanilang Operations Center upang agad na makatugon sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga lokal na pamahalaan, at mga regional disaster response unit.

Nakaantabay rin ang kagawaran para sa mabilis na pagtugon at paghahatid ng mga serbisyong medikal sa mga lugar na maaapektuhan ng masamang panahon.

Inihanda na rin ng DOH ang mga pangunahing pangangailangan, kabilang ang mga emergency medicine, medical supplies, hygiene kits, water purification supplies, mga lalagyan ng malinis na tubig, at iba pang mahahalagang kagamitan.

-- ADVERTISEMENT --

Naka-standby na rin ang mga response team sakaling kailanganing ideploy sa mga apektadong lugar.