Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P10.377 bilyon para suportahan ang pagpapatupad ng Zero-Balance Billing (ZBB) Program sa mga pampublikong ospital.

Sa kabuuang halaga, P9.377 bilyon ang para sa mga ospital ng Department of Health (DOH), kabilang ang P3.342 bilyon para sa mga ospital sa Metro Manila at P6.035 bilyon para sa mga regional hospital at iba pang government health facilities sa labas ng Metro Manila.

May karagdagang P1 bilyon din para sa anim na pilot LGU hospitals.

Layunin ng programa na mabawasan o tuluyang alisin ang hospital bill ng mga kwalipikadong pasyente sa mga kalahok na pampublikong ospital, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin.

Ayon sa DBM, bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing mas abot-kaya at accessible ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --