Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na maipapasa bago matapos ang taon, ang batas na magbabawal sa political dynasty upang magkaroon ng sapat na panahon para linawin at maihanda ang pagpapatupad nito.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, suportado ng komisyon ang panukalang anti-political dynasty law.

Kabilang sa nais nilang malinaw na matukoy ang saklaw nito, kung para lamang sa national o local positions, kung kasama ang appointed officials, at kung sakop din ang party-list groups.

Sinabi ni Garcia na mas madaling ipatupad ang pagbabawal kung hanggang second degree of relationship ang saklaw, dahil maaaring magkaroon ng mga komplikasyon sa pagtukoy ng ugnayan sa pamilya.

Nakatakdang isagawa ang filing of candidacy para sa 2028 elections sa Setyembre 20 hanggang 26, 2027.

-- ADVERTISEMENT --