
Nirerespeto at susundin ng Philippine National Police (PNP) ang kautusan ng Sandiganbayan kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co sa panayam sa Camp Crame.
Sinabi ni Co na dahil nasa kustodiya ng PNP si Romualdez, handa silang magbigay ng seguridad kay Romualdez at ihahatid nila ito kung saan man ipadadala ng Sandiganbayan.
Ang pahayag ay matapos maglabas ng commitment order ang Sandiganbayan kay Romualdez na ilipat na ito sa BJMP.
Maaalalang, mayroon nang kwarto ang PNP General Hospital na nakalaan para kay Romualdez.
-- ADVERTISEMENT --










