Lumabas sa preliminary investigation ng mga awtoridad ng Lebanon sa communication devices na sumabog sa nasabing bansa ngayong linggo na nilagyan ng mga ito explosives bago dumating sa Lebanon.

Ito ay batay sa sulat na ipinadala ng mission to the United Nations ng Lebanon sa U.N. Security Council.

Nattukoy din ng mga awtoridad na ang mga devices na kinabibilangan ng pagers at hand-held radios ay pinasabog sa pamamagitan ng pagpapadala ng electronic messages sa mga nasabing gamit.

Inakusahan ng U.N. Mission ng Lebanon na Israel na responsable sa pagpaplano at pagpapatupad ng nasabing pag-atake.

Nakatakdang magpulong ang 15-member Security Council para talakayin ang nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Namatay ang 37 na katao at nasa 3,000 ang nasugatan sa pag-atake sa communication equipment ng Hezbollah noong Martes at Miyerkules.

Wala pang pahayag ang Israel sa nasabing pag-atake, na ayon sa security forces na posibleng isinagawa ng Mossad spy agency.