
Lumipat na umano sa Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD si House Majority Leader Ferdinand Sandro Marcos matapos tumiwalag sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang partidong pinamumunuan ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa ilang source, nanumpa si Cong. Sandro bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD noong Oktubre 12 na pinangasiwaan ni Camiguin Representative Jurdin Jesus Romualdo at dinaluhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng partido.
Wala pang inilalabas na pahayag si Marcos tungkol sa dahilan ng kanyang paglipat ng partido.
Ang Lakas-CMD ay pinamumunuan ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez, pinsan ng Pangulo na kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng kontrobersiya sa mga flood control project.










