
May lead na umano ang Philippine National Police o PNP sa kinaroroonan nina Department Of Public Works And Highways (DPWH) Ernesto Galang at Lorenzo Pagtalunan na sinasabing sangkot umano sa anomalya ng P53.9-M na flood control project sa Bulacan.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., malakas ang paniniwala nila na mapapanagot sa batas ang nasabing mga pugante.
Matatandanag ipinag-utos ng Sandiganbayan nitong Byernes, June 5 ang pag-aresto kay Galang, Pagtalunan at 9 pang akusado, kabilang ang mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.










