
Bagamat rumesponde ang tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nais na pasuspindihin ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo ang contractor at operator ng Iwahig at Tumana Pumping Stations
Ito’y matapos niyang makitang hindi umaandar ang mga pasilidad habang binabaha ang lugar matapos na personal na mag-inspeksyon.
Nabatid na humingi ng tulong ang mga residente ng Tumana dahil sa hindi gumagana ang mga ito habang tumataas ang tubig-baha sa mga kalsada.
Ayon kay Quimbo, wala siyang nakitang mga tauhan ng contractor at operator na J.D. Legaspi Construction nang mag-inspeksyon siya kung saan una na rin silang nananawagan sa DPWH.
Sinabi ng mambabatas na dati na niyang kinausap ang operator at hiniling na siguruhing gumagana ang mga pumping station kaya’t hindi katanggap-tanggap na hindi siya naabisuhan na hindi pa rin operational ang mga pasilidad.
Matatandaan na importante ang Iwahig at Tumana Pumping Stations sa pagkontrol at pagbawas ng baha at dahil hindi gumagana ang mga ito, mas kumalat ang tubig sa mga kalapit na komunidad at kalsada.










