Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang motion for reconsideration ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kumukuwestiyon sa kaniyang pagkakakulong.

Sa walong-pahinang resolusyon na inilabas noong Oktubre 5, sinabi ng CA na walang bagong sapat na dahilan upang baligtarin ang nauna nitong desisyon na ibasura ang petisyon ni Guo para sa habeas corpus, na layong kuwestiyunin ang legalidad ng kaniyang pagkakadetine.

Ayon sa korte, hindi na saklaw ng Bureau of Immigration ang kustodiya kay Guo dahil nasa Correctional Institution for Women na siya mula Disyembre 2025. Nakabatay umano ang kaniyang pagkakakulong sa pinagsamang desisyon ng Regional Trial Court, at walang naipakitang ebidensiyang ilegal ang naturang kautusan.

Si Guo ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong qualified human trafficking.