TUGUEGARAO CITY- Katigasan ng ulo ang nakikitang dahilan ng isang overseas Filipino worker sa Madrid, Spain kaya patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit ng covid-19 sa nasabing bansa.

Sinabi ni Eva Tinasa, hotel worker na buhat nang pinayagan na silang lumabas sa limitadong oras ay hindi na umano nasusunod ang social distancing at marami umano ang hindi nagsusuot ng face mask.

Dahil dito, sinabi ni Tinasa na kahapon ay 250 na naman ang namatay dahil sa covid-19 at nasa 800 ang nahawaan.

Bunga nito, sinabi niya na pinalawig ng lider ng Spain ang hindi muna pagbubukas ng non-essential establishments tulad ng mga hotels hanggang sa June 30, 2020 imbes na sa May 25.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na no work, no pay siya.

ang tinig ni Tinasa

Idinagdag pa niya na punong-puno na rin ang mga hospitals ng mga covid-19 patients.

Ang Spain ay may 260, 117 cases ng covid-19 kung saan 26, 299 na ang namamatay.