
Napabilang ang 18 students ng Cagayan State University (CSU) Andrews Campus sa listahan ng mga topnotcher sa ginanap na February 2026 Respiratory Therapist Licensure Examination (RTLE), habang Top Performing School naman ang unibersidad sa buong bansa.
Nanguna sa hanay ng mga topnotcher sina Jave Gomez Castro at Dinver Jay Pedrosa na kapwa nagtala ng 92.25% average at kapwa rank 2.
Nasa number 3 si Aleczandra Bas-ong De Leon na may 92% average, sinundan ni Cathrina Nicole Bangayan sa number 4 na may 91.75%, at ni Jubelyn Mae Caluza Buduan sa rank 5 na may 91.50% average.
Nakapagtala naman ng 91.25% average sina Allen Jay Cayetano at Catherine Ramossa.
Sa rank 7 na may 91.00% average ay sina Elv Jewel Mareeh Cudal Alejon, Cezz Zarion Vialu Conel, Marijoe Sison Cortizano, Angel Mateo Sera, at Katrina Bristol Vergara.
Pasok din sa rank 8 sina Karyll Mae Aguila, Nicole Yvette Irigayen, at Vince Christen Mauvry Mabalot na may 90.75% average.
Rank 9 naman si Jasmin Mishel Turingan na may 90.50%, habang kabilang sa rank 10 sina Lezahnor Furigay Casibang at Claire Ann Lim Domingo na kapwa nakapagtala ng 90.25% average.
Batay sa opisyal na resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), nakapagtala ang CSU Andrews ng 100% institutional passing rate kung saan lahat ng 131 examinees nito ay pumasa sa pagsusulit.
Mas mataas ito kumpara sa 74.19% na national passing rate.
Ito na ang ikawalong magkakasunod na taon na nanguna ang CSU Andrews bilang Top Performing School sa RTLE.










