Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Department of Agriculture (DA) at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) upang maprotektahan at maisulong bilang premium global brands ang mga produktong agrikultura at pangisdaan ng bansa sa pamamagitan ng geographical indication (GI).

Kabilang sa mga target na mabigyan ng GI protection ang Cordillera Heirloom Rice, Davao Pomelo, Zambales Mangoes, Davao Cacao, Davao Durian, Bonuan Bangus, Quezon Lambanog, Camarines Norte Queen Pineapple, at Oriental Mindoro Calamansi.

Ayon sa DA, layunin ng programa na mapangalagaan ang pagiging tunay ng mga lokal na produkto, mapataas ang tiwala ng mga mamimili, at mabigyan ng mas malaking kita ang mga magsasaka, mangingisda, at mga lokal na komunidad sa loob at labas ng bansa.