Binibilisan na ngayon ang mga hakbang para sa modernisasyon ng industriya ng hayop at feed sector.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang agarang pagtatatag ng mas matibay at produktibong sektor ng agrikultura sa harap ng mga pagsubok sa panahon, problema sa supply chain at pagdaigdigang kumpetisyon.

Aniya, mahalaga ang papel ng feed millers sa pagsuporta sa kalusugan ng mga hayop at sa pagbuo ng matatag na merkado para sa lokal na produkto tulad ng mais.

Sa pamamagitan naman ng INSPIRE program, pinalawak na ang insurance para sa mga hayop.

Mas pinalakas din ang mga hakbang sa pagkontrol sa African Swine Fever at Avian Influenza.

-- ADVERTISEMENT --

Ang livestock at poultry sector ay nagkakahalaga ng ₱790 billion noong nakalipas na taon o katumbas ng tinatayang 3% ng gross domestic product.

Binigyang-diin ng Kalihim ang mahalagang papel ng livestock at feed production ng Batangas na aniya ay dahil sa pagiging matatag ng mga komunidad at kontribusyon sa pagbabago sa agrikultura.