
Naghain si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng hiwalay na kasong cyber libel laban kay Atty. Levito Baligod, ang legal counsel ng 18 ex-Marines, at dating Congressman Zaldy Co.
Nagpunta si Tiu Laurel sa Makati City prosecutor’s office para ihain ang kaso at itinatanggi ang mga alegasyon ng mga dating Marines na sangkot siya sa tumanggap ng maleta na naglalaman ng pera na mula sa kickbacks.
Pinabulaanan din ni Laurel ang pahayag ni Co na sangkot siya sa onion importation o agricultural smuggling.
Sinabi ni Tiu Laurel na hindi niya kilala ang mga nasabing dating Marines at ang huling pagtira niya sa Forbes Park ay noong 2018.
Sa kaso ni Co, sinabi ni Tiu Laurel na ngayon lamang niya naharap na magsampa ng reklamo laban sa dating kongresista – ilang buwan matapos niyang sabihin na magsasampa siya ng kasong cyber libel laban kay dating Ako Bicol party list representative.
Ayon kay Tiu Laurel, isa itong pagsasayang ng panahon, subalit kailangan din niyang lumaban dahil sa parang ginagawa umano silang punching bag sa mga puro kasinungalingan na mga alegasyon.










