
Uumpisahan na sa April 6 ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa pagdinig ng PROTECT Committee ng Senado, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tiniyak sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM) na ire-release na ang pondo pang-ayuda sa April 2.
Tatanggap ng tig P2,325 mula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisher-folks ang nasa 4.175 million na mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi pa ng kalihim na mayroon pang natirang pondo para sa fuel subsidy buhat sa mga nagdaang taon subalit nasa 40,000 lang ang mabibigyan.
Ipinaliwanag ni Laurel na apektado rin ng pagtaas ng produktong petrolyo ang mga magsasaka at mga mangingisda dahil gumagamit ang mga ito ng petrolyo sa kanilang mga makinarya.




