Sinimulan na ng House of Representatives of the Philippines ang pagtalakay sa mga panukalang batas na naglalayong palawakin ang benepisyo para sa senior citizens at mga kawani ng pamahalaan.

Kabilang dito ang House Bill No. 281 na naglalayong isama sa 20% discount at VAT exemption ng mga senior citizen ang vitamins, supplements, herbal products, at formulated milk.

Isinusulong ito ni Bryan Revilla upang makatulong sa tumataas na gastusin sa kalusugan ng mga nakatatanda.

Tinalakay rin ng Kamara ang House Bill No. 280 na naglalayong ibaba sa 56-anyos mula 60-anyos ang optional retirement age ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno na may hindi bababa sa 15 taong serbisyo.

Ayon kay Revilla, boluntaryo lamang ang naturang panukala at layunin nitong mabigyan ng mas maraming opsyon at mas maayos na kalidad ng buhay ang mga kawani ng gobyerno matapos ang matagal na paninilbihan.

-- ADVERTISEMENT --