Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panibagong umento sa sahod ng mga manggagawa at kasambahay sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Sa Region 1, madaragdagan ng ₱35 hanggang ₱40 kada araw ang sahod ng mga minimum wage earner, habang ₱450 naman ang itataas sa buwanang sahod ng mga kasambahay mula ₱6,700 ay magiging ₱7,150. Aabot sa 130,612 manggagawa at 88,419 kasambahay ang makikinabang.

Sa Cagayan Valley, ₱30 hanggang ₱40 kada araw ang dagdag-sahod na ipatutupad sa dalawang yugto, habang ₱500 ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay na magiging ₱7,000 mula ₱6,500.

Ilalathala naman sa Nobyembre 30 ang mga bagong Wage Order.

Magkakabisa ang umento sa Region 1 sa Disyembre 14 at sa Region 2 sa Disyembre 16.

-- ADVERTISEMENT --