Kinumpirma ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na bibili ang Pilipinas ng mga kagamitang militar mula sa Estados Unidos na hindi karaniwang ibinebenta sa ibang bansa sa ilalim ng $2-billion financing package.

Ayon kay Teodoro, kabilang sa mga target na bilhin ang mga multi-domain at multi-threat military hardware na bahagi ng security sector roadmap ng bansa. Gayunman, hindi muna tinukoy ng kalihim kung anong mga military asset ang kukunin.

Bukod dito, may nakalaan ding $400-million grant sa ilalim ng US Foreign Military Financing (FMF) program para sa security sector roadmap.

May karagdagang $100-million grant din, habang nasa $50 hanggang $60 million naman ang inilaan para sa nagpapatuloy na Super Intelligence o artificial intelligence (AI) program ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Teodoro, malaking tulong ang mga pondong ito sa pagpapalakas ng kakayahan at deterrence ng Pilipinas laban sa mga posibleng banta sa seguridad.

-- ADVERTISEMENT --