Naghain ng kanilang kandidatura sa pagka-Senador ang isang electrician at isang lalaki na nagsabi na fiance umano ni Senator Aimee Marcos.

Inihain kanina ni Alexander Encarnacion, isang electrician at karpintero ang kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang Senador sa 2025 elections.

Sinabi niya na malaki ang magagawa ng isang electrician at karpintero para sa bansa.

Ayon sa kanya, naghain din siya ng kanyang COC sa nakalipas na dalawang eleksion subalit diniskuwalipika siya bilang isang nuisance candidate.

Sinabi niya na sinabi umano sa kanya na wala siyang pera at wala siyang kakayahan na mangampanya nationwide.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtungo din sa isang tent ng Manila Hotel si Daniel Magtira para maghain ng kanyang COC sa pagka-senador.

Ayon sa kanya, gusto niyang mapangasawa si Sen. Marcos.

Noong 2021, sinabi niya na siya ay asawa ni actress Kris Aquino.

Naghain din siya ng kanyang COC para sa pagkapresidente noong 2021 para sa 2022 elections.

Samantala, si Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang unang naghain ng kanyang COC para sa Senado.