Iniimbestigahan na ang sampu pang pinaghihinalaaang illegal cigarette factories sa bansa, kung saan dalawang mambabatas sa Northern Luzon ang sinasabing sangkot.

Ito ang isiniwalat ni Interior Secretary Jonvic Remulla.

Ito ay kasunod ng pagpapasara sa umano’y illegal cigarette factory sa Mexico, Pampanga, kung saan nakakumpiska ang mga awtoridad ng P400 million na halaga ng mga sigarilyo at limang cigarette-making at packing machines, inaresto ang anim na sinasabing Chinese operators, at nailigtas ang 65 na manggagawang Pinoy.

Tumanggi si Remulla na tukuyin ang lokasyon ng mga nasabing manufacturing sites, at maging ang pangalan ng dalawang kongresista na pinaghihinalaan nilang sangkot sa aktibidad.

Ipinunto ni Remulla, na sa pagkakadiskubre sa umano’y ilegal na pagawaan sa Pampanga, nakakumpiska na ang mga awtoridad ng kabuuang P10 billion na halaga ng undocumented cigarettes sa buong bansa sa mga nakalipas na mga linggo.

-- ADVERTISEMENT --