TUGUEGARAO CITY-Nahuli ng 86th Infantry Battalion ang dalawang miembro umano ng New People’s Army (NPA) sa Jones, Isabela.

Sa naging panayam kay Lt.Col. Remegio Dulatre, commander ng 86IB,hindi umano itinanggi ng dalawang nahuli na sina alyas Dian at alyas RJ, kapwa 33-anyos na sila’y kasapi ng NPA.

Una rito, ipinagbigay alam ng mga residente ng brgy Diarao Baba, Dicamay 2, Jones, Isabela ang presensiya ng mga ito kung saan plano umano nilang magsagawa ng indoctrination sa mga residente ng lugar.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang kanilang hanay katuwang ang kapulisan na sanhi ng pagkakahuli sa dalawa.

Nakuha naman sa pag-iingat ng dalawa ang isang hand grenade, writing paraphernalia at marami pang iba.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, muling hinikayat ni Dulatre ang mga NPA na bumalik na sa pamahalaan at makipagtulungan na lamang sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan ng bansa.