Patay ang dalawang bicycle riders matapos silang tamaan ng kidlat sa General Trias City, Cavite.

Ayon sa mga pulis sa Region 4A, nagbibisikleta ang mga biktima na kinilala lamang na sina “Gerald” at “Renzo” sa gitna ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat nang tamaan sila ng kidlat kahapon ng hapon sa Barangay Tapia.

Agad na dinala ng rescuers ang mga biktima sa ospital, subalit sila ay idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor dahilsa tinamo nilang matinding sunog sa katawan.

Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad na iwasan na manatili sa open field kung may thunderstorm.