
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Congressman Joey Salceda bilang Presidential Legislative Liason Office na may ranggong Secretary.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong umaga.
Ayon naman kay Salceda, layunin niyang gawing isang policy office ang PLLO at palakasin ang ugnayan ng Malacañang sa Kongreso, pribadong sektor, academics, at civil society, lalo na sa paghahanda para sa SONA .
Nabatid na higit 8 buwan nang bakante ang nasabing posisyon makaraang magbitiw si noo’y undersecretary Adrian Bersamin matapos makaladkad sa flood control controversy.
Malawak ang karanasan ni Salceda sa legislative at executive dahil naging kinatawan ito ng Albay mula 2016 hanggang 2025.
Matatandaang naging chief of staff rin sya ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.










