Hinarang ng gobyerno ang planong paglipad ni dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Martes, Abril 21, 2026, patungong Singapore para magpa-check up.

Ayon kay Ombudsman Boying Remulla, hindi nila pinayagang makalabas ng bansa ang kongresista dahil kabilang ito sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) at nasa ilalim ito ng kanilang imbestigasyon dahil sa alegasyon ng money laundering.

Dagdag pa ng Ombudsman, hinihintay na rin nila ang paglalabas ng freeze order laban kay Romualdez.