
Plano ng Singapore-based renewable energy firm na Vena Energy na magdagdag ng 1.29 gigawatts na renewable energy capacity sa Pilipinas sa pamamagitan ng ₱52 bilyong equity investment, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Tinalakay ito sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng kumpanya sa kaniyang limang araw na working visit sa Singapore.
Sa kasalukuyan, may 887 megawatts nang kapasidad ang Vena Energy sa bansa, habang may karagdagang 1.26 gigawatts na mga proyektong ginagawa, kabilang ang mga solar, wind at hybrid project sa Pangasinan at Ilocos Norte.
Ayon sa PCO, nakaayon ang mga proyektong ito sa target ng pamahalaan na umabot sa 35% ang bahagi ng renewable energy sa power generation pagsapit ng 2030 at 50% naman sa 2040.










