TINIYAK ng Department of Budget and Management o DBM na walang hindi kailangang delay sa pag-release ng 2024 Performance-Based Bonus o PBB para sa mga public school teachers.

Ayon sa DBM, hinihintay na lamang nito ang report mula sa Department of Education o DepEd tungkol sa ranking ng mga opisyal at delivery units na tutukoy sa mga kuwalipikadong empleyado para sa bonus.

Sa oras na matanggap ang kumpleto at tamang submission mula sa DepEd, agad umano itong rerepasuhin at poproseso ng DBM ang mga kinakailangang dokumento para sa paglalabas ng pondo.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang release ng FY 2024 PBB para sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.

Ang PBB ay insentibo bukod sa iba pang regular na benepisyo gaya ng Productivity Enhancement Incentive, midyear at year-end bonus, at annual cash gift.

-- ADVERTISEMENT --