Umabot na sa 38 ang nasawi matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa karagatan ng Sarangani noong Lunes ng umaga, Hunyo 8, 2026, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD).

Ayon sa OCD, apat na katao pa ang nawawala habang 478 naman ang sugatan sa malawakang pinsala ng lindol sa mga apektadong rehiyon.

Pinakamatinding tinamaan ang General Santos City, Sarangani, at South Cotabato, kung saan maraming pamilya ang napilitang lumikas matapos masira ang kanilang mga bahay.

Tinatayang umaabot sa mahigit ₱562.8 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Samantala, patuloy pa ring nararanasan ang mga aftershock sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa 1,209 aftershocks ang naitala mula nang tumama ang lindol, na may lakas mula magnitude 1.3 hanggang 6.4.

Patuloy ang search, rescue, at retrieval operations ng mga awtoridad upang hanapin ang mga nawawala at matulungan ang mga naapektuhan.

Mahigit 2,700 tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection ang ipinadala sa mga apektadong lugar para sa tulong sa operasyon.