Naitala ang magnitude 5.5 na lindol sa karagatang sakop ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong madaling-araw ng Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 14 kilometro.

Naitala naman ang Intensity IV sa General Santos City, at mga bayan ng Malapatan at Glan sa Sarangani, gayundin sa Tupi, South Cotabato.

Intensity III naman ang naramdaman sa mga bayan ng Kiamba at Maasim, Sarangani.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks dulot ng naturang lindol.

-- ADVERTISEMENT --