
Umabot na sa 17 katao ang nasawi habang mahigit kalahating milyong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Inday, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa ulat, ang mga nasawi ay dahil sa pagkalunod at pagguho ng lupa.
Sampu sa mga biktima ay mula sa Malapatan, Sarangani; lima sa Calanogas, Lanao del Sur; at dalawa sa Bukidnon.
Mayroon ding siyam na katao ang nananatiling nawawala.
Ayon pa sa NDRRMC, mahigit 112,500 pamilya ang naapektuhan ng bagyo, habang nakapaglaan na ang pamahalaan ng ₱16.41 milyong halaga ng ayuda para sa mga biktima.
-- ADVERTISEMENT --
Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Inday nitong Sabado.










