
Pumalag ang kampo ni former President Pangulong Rodrigo Duterte sa hiling ng International Criminal Court (ICC) Prosecution na inspeksyunin ang mga nasabat na gamit nang maaresto dating pangulo.
Ayon sa defense team ni Duterte, ang hakbang na ito ay late stage ng “fishing expedition”.
Sa magkahiwalay na tugon na isinumite sa ICC Trial Chamber III kahapon, June 26, 2026, nakiusap si lead defense counsel Peter Haynes sa korte na i-reject ang ilang investigative requests mula sa proseksuyon.
Sa unang filing, iginiit ng depensa na ang request na silipin ang mga gamit na hawak ng ICC Registry ay huli na sa timeline.
Ang hiling umanong ganito ay ginagawa sa mga araw ng pagdating ng suspect sa kustodiya, o sa pinakamaagang panahon.
Babala ni Haynes, ang inspeksyong ito ay maaari lang maging sagabal sa sinabing timeline ng prosekusyon na makumpleto ang case disclosure pagsapit ng September 30, 2026.
Maliban diyan, idiniin din ng kanilang panig ang tungkol sa privacy pagdating sa mga gamit.








