Iginiit ng defense witness na si Atty. Rainer Dela Fuente na nangangailangan pa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga financial transaction ni Vice President Sara Duterte matapos maisumite ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga datos tungkol sa kaniyang mga transaksyon mula 2007 hanggang 2025.

Sa pagdinig ng Senate impeachment court, ibinunyag ni Senate President Sherwin Gatchalian na umabot sa ₱2.7 bilyon ang mga transaksyon ni Duterte mula 2009 hanggang 2013.

Ayon kay Dela Fuente, kailangan pang masuri ang mga bank records, deposit at withdrawal slips upang matukoy ang pinagmulan at pinagdalhan ng pera.

Maaari rin aniyang humantong ang mas malalim na pagsusuri sa mga proseso tulad ng bank inquiry at freeze order.

Gayunman, nilinaw ng testigo na wala pang dapat na konklusyon hangga’t hindi nakukuha at nasusuri ang lahat ng kinakailangang dokumento.

-- ADVERTISEMENT --