TUGUEGARAO CITY-Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang delivery boy matapos sumalpok sa railings ng kalsada ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa bayan ng Pamplona.

Batay sa naging imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima na si Cristy Guillermo, 25-anyos ng Brgy. Abbangkeruan mula sa inuman nang mawalan ng kontrol sa manibela habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Cabaggan.

Sumalpok ang motorsilko sa railings ng kalsada at tumama sa matigas na bagay ang ulo ng biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Guillermo nang manguyari ang aksidente.