Ikinasa na ng Department of Education (DepEd) ang serye ng orientation session para sa mga guro at school leaders.

Ito ay bilang paghahanda at pagsuporta sa pagpapatupad ng three term calendar sa susunod na school year.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, target sa orientation na maibigay ang malinaw na guidelines at matiyak na ang transition sa bagong sistema ay magiging maayos.

Ani Angara, magiging matagumpay lang ang repormang ito kung lubos na mauunawaan ng mga guro at school leaders kung paano ipatutupad ang three-term calendar.