
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamahalaan ng Pakistan kasunod ng nangyaring pagsabog sa Shiite mosque.
Dahil sa insidente, maraming buhay ang nawala, at higit isang daan naman ang nasugatan.
Ayon sa DFA, wala pang napaulat na mga Pinoy na nasawi sa pagsabog.
Dagdag pa nito, mahigpit silang nakabantay sa sitwasyon doon, at tinitiyak na nakahanda sila sakaling may mga Pilipino na mangangailangan ng tulong.
Sa kasalukuyan, hindi na bababa sa 30 ang napaulat na nasawi sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --
Pinangagambahang posibleng madagdagan pa ang bilang na ito dahil ang ibang napaulat na injured ay nasa kritikal na kondisyon.









