Hinarang ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang access sa online game na GoreBox sa Pilipinas matapos mabigong tugunan ng platform ang mga isyung may kaugnayan sa posibleng harmful effects nito.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, binigyan ng ahensya ng due process at pagkakataon ang developer na ipaliwanag at tugunan ang mga concern, ngunit hindi umano nakapagbigay ng sapat na tugon.

Nauna nang pansamantalang ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang GoreBox matapos maiugnay ang laro sa insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22, kung saan tatlo ang namatay at 20 ang nasugatan.

Sinisilip din ng PNP kung may impluwensya ang laro sa violent behavior ng isa sa dalawang menor de edad na suspek.

-- ADVERTISEMENT --