
Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakahanda na ang lahat ng hakbang sa seguridad para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nasa 20,000 pulis na ang nakatalaga at handa ang mga awtoridad sa anumang posibleng insidente. Simula alas-5 ng hapon ng Hulyo 24, ilalagay rin sa full alert status ang Philippine National Police–National Capital Region Police Office (NCRPO).
Hihigpitan din ang seguridad sa mga pangunahing lugar ng protesta, kabilang ang Batasang Pambansa, Malacañang, Liwasang Bonifacio, People Power Monument, Senado sa Pasay at US Embassy, habang naglabas na rin ang MMDA ng mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa araw ng SONA.










