Naniniwala si Atty. Victorio Casauay na hindi babaliktarin ng Commission on Election o COMELEC En Banc ang inilabas na resolution ng COMELEC First Division na nagdidiskwalipika kay Cagayan Governor Manuel Mamba dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng Omnibus Election Code partikular ang paglalabas, disbursement at paggasta sa public funds mula March 25 hanggang May 8, 2022.

Sinabi ni Casauay na ito ay dahil ang desisyon ng COMELEC First Division sa kanyang inihain na disqualification case laban kay Mamba ay ibinase sa merito at mga argumento.

Reaksion ito ni Casauay sa pahayag ng kampo ni Mamba na maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa COMELEC En Banc.

Ipinaliwanag niya na bilang isang abogado at mamamayan ay obligasyon niya na magsampa ng petisyon laban kay Mamba matapos na ipangalandakan niya na namigay siya ng tig-isang libong piso sa mga botante bago ang halalan na malinaw na paglabag sa batas.

Ang petisyon ni Casauay laban kay Mamba ay hiwalay sa inihain din na disqualification case ni Dr. Zarah Lara sa Second Division ng COMELEC na ibinasura ng En Banc subalit ibinasura ito ng Korte Suprema dahil sa ibinase ang desisyon sa teknikalidad at hindi sa merito.

-- ADVERTISEMENT --

Si Casauay ay legal counsel ni Dr. Lara na natalo laban Mamba sa nakalipas na halalan.

Samantala, sa inilabas na statement ni Mamba, binigyan diin nito na gagamitin niya ang lahat ng legal na paraan upang mapawalang-bisa ang nasabing diaqualification case laban sa kanya.

Iginiit din niya na wala siyang nilabag na batas dahil sa nakakuha umano siya ng exemption mula sa COMELEC sa mga ipinatupad nitong mga regular na programa ng pamahalaang panlalawigan sa panahon ng pangangampanya.