
Suportado ng Department of Finance (DOF) ang pinaigting na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling at ilegal na kalakalan.
Personal na sumama si Finance Secretary Frederick Go sa dalawang ahensya sa Cebu para sa revenue performance review at pagsira sa mga nakumpiskang ilegal na sigarilyo.
Kabilang sa mga nasamsam ang mga pekeng tax stamp, makinarya, raw materials at iba pang gamit sa paggawa ng ilegal na sigarilyo.
Tinatayang nasa ₱240.64 milyon ang excise tax na maaari sanang makolekta ng pamahalaan mula sa mga nakumpiskang ilegal na produkto.
Ang naturang halaga ay maaari sanang mapunta sa mga programa at serbisyong publiko gaya ng pagtatayo ng silid-aralan, ospital at kalsada, gayundin sa sahod ng mga guro at pulis.






