
Nasabat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tinatayang 101,000 pakete ng hinihinalang iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P9 milyon sa isang operasyon sa Cauayan City, Isabela noong Hunyo 25.
Ayon sa BIR, isinagawa ang operasyon sa isang hotel sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police, CIDG, at lokal na pamahalaan.
Tinatayang aabot naman sa mahigit P82.7 milyon ang kabuuang excise tax at VAT liabilities ng mga nakumpiskang produkto.
Iginiit ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na ipagpapatuloy ng ahensya ang mahigpit na kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng tabako upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at maprotektahan ang kita ng pamahalaan.










