Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas sa mga kaso ng dengue sa bansa noong Hunyo.

Sa pahayag ng DOH, sinabi na nakapagtala ito ng 10,733 dengue cases mula Hunyo 15 hanggang 28.

Mas mataas ito kumpara sa 8,233 na naitala sa unang dalawang linggo ng nasabing buwan.

Sinabi ng DOH na naghahanda na ito sa pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa mga nakalipas na araw.

Hinimok ng ahensya ang publiko na sundin ang 4Ts, “Taob, Taktak, Tuyo, Takip,” campaign upang makaiwas sa pagdami ng lamok na may dalang dengue.

-- ADVERTISEMENT --