Itinanggi ng Department of Justice (DOJ) na nagbigay ito ng direktiba sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang mga flood control projects sa Taguig City.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, may sariling mandato ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at hindi nila ito inutusan kaugnay ng naturang usapin.

Gayunman, tiniyak ng kalihim na anumang imbestigasyon ng kawanihan ay dapat nakabatay lamang sa ebidensya.

Kasabay nito, patuloy ring iniimbestigahan ng NBI ang umano’y ghost flood control projects at ang sinasabing mga iregularidad sa 2019 Southeast Asian Games, kung saan kabilang sa mga posibleng ipatawag bilang resource person si Senator-Judge Alan Peter Cayetano, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.