Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na walang sapat na dahilan upang suspendihin si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag matapos ang nangyaring gulo sa Senado.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano sa Ombudsman na ilagay sa preventive suspension ang hepe ng NBI.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, hindi nakikita ng DOJ ang anumang batayan para sa ganitong hakbang, bukod pa sa wala rin umano sa kanyang kapangyarihan ang magsuspinde sa opisyal.

Nauna nang nagpatupad ng anim na buwang preventive suspension ang Office of the Ombudsman laban kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca matapos aminin siya ang nagpaputok ng warning shot sa gitna ng insidente.

Pero para kay Cayetano, mas maituturing niya pang suspek si Matibag kesa kay Aplasca dahil ginagawa lang umano nito ang kanyang trabaho sa Senado.

-- ADVERTISEMENT --