
Nanawagan si Department of Labor and Employment Secretary Francis Tolentino na magpaliwanag sa publiko ang korte at dalawang kumpanyang kumontra sa P85 wage hike sa Metro Manila na naging dahilan ng pansamantalang pagpapatigil sa implementasyon nito.
Ayon kay Tolentino, dapat ding malaman ng publiko kung bakit naghain ng petisyon ang Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc., gayundin ang legal na batayan ng Pasig Regional Trial Court sa pag-isyu ng injunction laban sa dagdag-sahod.
Noong Hulyo, naglabas ang Pasig RTC Branch 152 ng temporary restraining order laban sa P85 wage increase. Sinundan ito ng preliminary injunction matapos makapag-post ng P10 bilyong bond ang mga petitioner.
Samantala, sinabi ni Tolentino na patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOLE sa Office of the Solicitor General para kuwestiyunin ang utos ng korte. Hinikayat din niya ang mga employer na kusang ipatupad ang wage increase kahit may injunction.










