Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ng upskilling program para sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nagbabalik mula sa mga lugar na may kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Acting DOLE Secretary Francis Tolentino, layunin ng programa na mapalakas ang reintegration ng mga OFW sa bansa.

Sinabi ni Tolentino na sasailalim sa karagdagang pagsasanay ang mga OFW na hindi na muling magtatrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng mas mataas na kasanayan para sa mas magandang oportunidad sa trabaho o makapagsimula ng sariling kabuhayan sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan.

Samantala, inanunsyo rin ni Tolentino na magsasagawa ang DOLE ng buwanang job fair simula Setyembre 2026, bilang bahagi ng programa ng pamahalaan sa pagpapalawak ng oportunidad sa trabaho.

Pag-aaralan din ng ahensya ang pagpapabilis ng pagproseso ng mga kinakailangang dokumento upang mas maraming aplikante ang agad na makapasok sa trabaho.

-- ADVERTISEMENT --